Chapter 93
Aroganteng tumingala si Madeline para tingnan si Madeline. Malamang ang galit niya ay dulot ng kahihiyan mula sa ginawa ni Jeremy nitong hapon.
Bahagyang humagikhik si Madeline. "Eh bakit ka nagagalit kung sigurado kang naglalaro lang siya nung hinalikan niya ako? Bakit ka pa gagastos ng
malaking pera para lang utusan ang ibang tao na padalhan ako ng mga mensaheng yun?"
"Ikaw..." Namuo ang mga salita sa lalamunan ni Meredith, at di na niya ito masabi.
Napagtanto ito ni Madeline. "Yan ang dahilan bakit mo ako pinatawag sa mga utusan ng Whitman? Para saan at pinapunta mo ako dito?"
"Importanteng bagay malamang." Naging malagim ang ngiti ni Meredith nag bigla niyang hablutin ang braso ni Madeline, at mabagsik ang mga mata
niya. "Bakit di ka na lang lumayo Madeline? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na akin lang si Jeremy? Alam mo na dapat ngayon kung
anong mangyayari kapag inagaw mo ang lalaki ko.
"Nakalimutan mo na ba kung bakit ka nabilanggo? Nakalimutan mo na ba kung paano pinatay ni Jeremy ang anak sa labas sa tiyan mo para
pagaanin ang loob ko? Nakalimutan mo na din ba kung paano namatay ang lolo mong may sakit sa pag-iisip"
Naging malademonyo ang ngiti ni Meredith sa paningin ni Madeline.
Pagtingin sa masamang ekspresyon ni Meredith, napuno ng masasakit na imahe ang isipan ni Madeline. Lalo na nang mabanggit ang kamatayan nh
kanyang Lolo.
"Di ko kasalanan na may nalaman siyang di niya dapat malaman." Binabaan ni Meredith ang kanyang boses, isang masamang tingin ang nasa mga
mata niya.
Nangatog si Madeline. Nang gaganti na siya, itinulak siya ni Meredith.
Sa gulat, nangatog paatras si Madeline at napansin na pinulot ni Meredith ang kutsilyo na nasa ibabaw ng lamesa.
Inakala ni Madeline na susugurin siya ni Meredith, pero nabigla siya nang makita niya na itinutok ni Meredith ang kutsilyo kay Jackson na natutulog
sa sofa.
Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. "Anong ginagawa mo Meredith?!" Sigaw niya, habang ang lakas ng kabog ng puso niya sa kanyang dibdib.
"Hmph. Gusto kong makita kung paano ka makakatakas dito, Madeline!" Habang nakatitig kay Madeline habang nagsasalita siya, biglang itinaas ni
Meredith ang kutsilyo at hiniwaan ang mukha ni Jackson!
"Tigil!"
"Ah!"
Ang protesta ni Madeline at sigaw ni Jackson sa sakit ay halos sabay na umalingawngaw.
Nang makitang may mahabang sugat ang malaanghel na maliit na pisngi nito, naramdaman ni Madeline na nanikip ang puso niya sa sakit.
Nagsimulang tumulo ang dugo mula sa mahabang hiwa, nadumihan ang makinis na balat sa ibaba.
ganitong bagay...
Kaagad siyang tumakbo palapit para tulungan si Jackson na pigilan ang pagdugo, ngunit napigilan siya ni Meredith nang ilagay nito ang kutsilyo sa
kanyang mga kamay. Pagkatapos ginamit niya ang kamay niya para hablutin ang kanang kamay ni Madeline at nagsimulang humagulhol habang
mahigpit na hawak si Madeline para di ito makapiglas sa pagkakahawak niya.
"Madeline! Paano mo nagawa ito? Bakit kailangan mong saktan ang anak ko? Ako na lang saktan mo, wag mong idamay ang anak ko!"
Sumigaw si Meredith nang sobrang lakas na nagpasakit sa ulo ni Madeline sa sobrang ingay niya. Hindi makapaniwalang tumitig si Madeline kay
Meredith.
Ito pala ang plano ni Meredith kanina pa!
Napababa ang mga utusan at si Mrs. Whitman patungo sa kanila dahil sa kakaibang pangyayari. Nang makita ang pangyayari, sumigaw si Mrs.
Whitman sa gulat, "Diyos Ko! Ang pinakamamahal kong apo! Bakit napakarahas mo Madeline Crawford? Paano mo nagagawang manakit ng bata?"
Nagkataon na pumasok si Jeremy sa pinto nang magsimula siyang magwala kay Madeline.
Nang makita si Jeremy, nagsimulang umiyak at manginig si Meredith. "Jeremy! Sinubukang patayin ni Madeline ang anak natin!"
Unang balak ni Jeremy nang pumasok siya sa bahay ay magreklamo dahil ang ingay ng mga tao. Subalit nang marinig ang mga sinabi ni Meredith,
napatingin siya sa kutsilyo at kay Jackson na duguan ang mukha. Sa isang iglap, nagdilim ang kanyang mukha.
Lumundag ang puso ni Madeline sa takot at namutla ang mukha niya nang titigan niya ang lalaking palapit sa kanya. "Di ako yun Jeremy! Hindi ko..."
Nanigas siya sa masamang tingin ng lalaki bago pa siya matapos magpaliwanag. "Dapat sayo mamatay!"
"Jeremy, di ako yun..."
"Bang!"
Kasabay nito, sinipa siya ni Jeremy nang sobrang lakas at tumalsik siya palayo.